II
Author’s Note:
sa salaysay na ito ay sinubukan kong labanan ang lahat ng tawag ng laman ngunit sa huli hindi parin ako nanalo
-Renzo
Kinabukasan:
Tanghali na ko nagising dahil sa pagod at puyat narin at ng aking I check ang cellphone ko ay napakaraming messages ni arra.
“good morning sir salamat kagabi” ‘uy sir ha yung pangako mo na help ah see you later’
at yung iba ay mga pinagpapasa na ‘quotes’ at mga motivational texts. Iba din ang feeling since na wala na masyadong nag tetext sakin karamihan kasi naka focus na sa msgr chats o sa kahit anong apps for messages na nangangailangan ng internet access.
Di na rin nanaman ako nakatiis na replyan to ng..
‘hey kagigising ko lang napuyat eh’
Napaka bilis ng sagot nya ngunit ako na rin ang umagwat kasi alam ko way nya lang to para ma convince ako para matulungan siya sa problema niya.
Mahirap talagang kumilos sa solong katawan kung dati rati ay may nag hahanda ng pagkain para sakin ngayon eh wala, akin lahat ang gawa laba luto linis ng sasakyan at pamamalengke.
Masyado rin namang busy si kaye para papuntahin ko pa siya dito kaya buo na sa isip ko na tutulungan ko si arra even if it means na pansamantalang maki tira sa bahay ko tutal wala akong kasama.
Pinalipas ko muna ang oras bago ko tinawagan si arra walang pasok yon dahil sabado ang day off nya.
Naka dalawang dial ako bago ito sumagot.
‘Hello sir ay pasensya na po ah kasi galing akong banyo eh saka di ko po alam na tatawag kayo’
‘ah ganon ba di kasi ako mahilig mag text eh puro tawag ako eh hehe masanay ka na arra’
Arra: oh sige po sir bakit nga po pala kayo napatawag?
Ako: di ba may problema ka? sulusyonan na natin yan
Arra: ay salamat po sir oh paano po ang plano
Ako: dito ka na ulit sakin muna tumira doon sa kabilang kwarto wala namang natutulog don eh
Arra: salamat sir ha pero di po ba nakakahiya?
Ako: di naman magkabandmates naman tayo dati at nakikitulog naman kayo dito dati diba? Makishare ka nalang sa foods saka sa kuryente gaya ng dati.
Arra: super thankyou sir ha nakakahiya man po dati yung pag leave ko sa banda ng walang paalam pero andyan ka parin naka suporta pag kailangan
Ako: wala yon ano ka ba naman so puntahan na din natin bukas ang gamit mo tutulungan ka namin nila boy at walter mag hakot ha?
Arra: sige po sir salamat talaga napaka laking tulong I wish I could repay you in any way
Ako: don’t mention it I’ll see you later ha paano may gagawin pa ko mag luluto pa ko eh
Arra: ay pag nandyan na ko pag luluto kita hehe
Ako: sige aasahan ko yan ha?
Arra: thanks again see you po later
Pag katapos ng pag uusap ay nag handa na ko ng makakain. Sa pag lipas din ng oras ay naisipan kong ipaalam kina boy at walter ang aming balak na maghakot ng gamit sa bahay na inuupahan ni arra.
Nangako nalang ako sa mga ito na mag papainom ako sa bahay pagkatapos at mahigpit kong ibinilin na wag na wag ipaalam kay kara ang balak naming pag iinom at ang pag hahakot bukas.
Nangako naman ang mga ito na walang makakaalam ng aming pinaplano.
Saglitan lang din ang tinagal ko sa kanila dahil may urge din na di ko mapaliwanag na Makita si arra mamayang gabi sa bar.
6pm
Nag hahanda pa lang ako papunta sa bar tunog na ng tunog ang cellphone ko sa mga messages ni arra pero sinadya kong di sumagot. Sa halip ay nag diretso na agad sa bar.
Nagulat ako dahil pag dating ko pa lang nandoon na ang banda pero wala pa si arra. (infairness yun ang gusto ko sa kausap na banda on time kausap di ko na iintayin pa)
Di ko narin naman inusisa sa kanila kung nasaan si arra dahil baka natraffic lang. Maya maya may dumating at umakbay doon sa gitarista at papalapit sa akin na nakangiti at sinabi
‘hi sir hehe para kang nakakita ng multo si arra ako’
Nagulat ako na Makita si arra na naka ayos pambabae di ako sanay na Makita sya na ganon sanay ako na boyish ang kanyang outfit naka pantalon na sira at naka baseball cap pero ngayon naka dress sya.
Tumabi si arra sa akin sa paburito kong mesa kami pumwesto sakto lang din ang dating ni kara na pinag umpisa na ang banda sa pag peperform.
Sa tingin ko maayos naman ang performance nila mas na blown away lang ako sa dati kong bahista at sa kakaiba nyang ayos.
Binigyan pa ni kara ang banda ng repeat performance for formality nalang dahil utos ko din bago ko sila tanggapin.
Samantala si kara ay tila wala namang pakialam sa nakikita nya na nakahiwalay kami ng mesa habang nakikipag usap ako sa banda at katabi ko si arra.
Natapos naman ang lahat ng maayos mag uuwian na ang banda samantalang si arra ay nag stay pa rin kasama ko. Napansin ko ang kanyang dalang bag.
‘damit ba laman niyan?’
Arra: oo sana sir eh mag uuna na ko nag paalam narin ako sa may ari ng bahay na mag hahakot na rin tayo bukas payag naman na.
Ako: oh eh di sa amin ka na tumuloy mamaya mas maige
Arra: opo yun nga po sana ang plano ko naunahan nyo lang ako mag salita salamat po sir sa tulong
Ako: tara uwi na tayo?
Arra: di na ba tayo iinom?
Ako: sa bahay na atleast andon na tayo di ka na mag aalala
Arra: oo nga po
Dali dali akong nag paalam kina boy at walter at pina alala ang gagawing pag hahakot ng gamit bukas mabilis ang kilos naming lumabas ng bar kasama ko ang dati kong bahista na si arra na nag aaya pang uminom pag dating sa bahay ko. Habang ako naman ay lihim na pumapalakpak ang tenga at excited na umuwi.
Sa pag mamaneho palang namin pauwi doon na siya sa unahan umupo at ikinuwento na nya ang struggles nya kasama ang kanyang dating karelasyon. Sa puntong ito nag payo na rin ako
“Wala namang perpekto mapa tao o relasyon ang importante sa bawat disisyon e maka ilang libong beses pinag iisipan yan para iwas pag kakamali’
ang sinabi ko kay arra na matamang nakikinig.
Naging tahimik na rin ang aming pag biyahe pauwi kaya naisipan ko na mag random play sa aking system para di boring.
Napapakanta na rin si arra dahil isa rin naman siyang backing vocals doon sa banda nya. Napapansin ko din na napapangiti na siya dahil kahit paano naibsan ang kanyang dinadalang problema.
Ngunit ano ba ang bigla kong naramdaman naaaninag ko ang kanyang kaputian sa tulong ng ilaw sa sasakyan.
‘putang ina nadidimonyo nanaman ako’ sabi ko sa sarili ko. ‘Kailangan pag labanan ang nararamdaman ko wag samantalahin ang pag hingi nya ng tulong’ Impit kong bulong sa sarili
Tinatablan na ko nasa tabi ko lang ang salarin. Pilit kong inalis ang aking isipan sa ganoon hanggang sa maka uwi.
Nasa bahay na kami ng tila feel at home na agad si arra.
‘Hayyy salamat nakabalik din sa magandang bahay na ito’
Tila nanlalaki mga mata niya na parang bata habang ako naman ay inilagay ang gamit niya sa kabilang kwarto kung saan walang natutulog. (dating kwarto ni thirdy)
Pag labas ko sa kwarto tatanungin ko sana siya para kumain pero…
‘Tara kuya inom tayo’
Napakasaya ng kanyang mga mata na makabalik sa bahay ko pero mas Masaya ako at nag aabang ng masayang pangyayari dahil may bago akong kasama sa aking bahay.
Ano ano kaya ang mga posibleng mangyari.
-Sundan-